Saturday, July 26, 2008

Pauwi

Mag-isa akong uuwi ngayong gabi
Katulad din ng mga nagdaang araw
Walang kahawak na kamay
At kausap.

Pero, masaya na ako dito
Mas gugustohin kong mag-isa ngayon.

Pipilitin kong kayanin
Habang Hinihintay ko
Ang desisyon mo.

Kaya mo pa kayang lumaban
Para sa ating dalawa?

Mahal kita
Alam mo yan
Sinabi ko na nang
Paulit-ulit sa iyo.

Hanggang kailan ako
Maghihintay
Para mahalin mo
Ulit ako?