Friday, March 28, 2008

mahal kita kapatid

madalas akong napapahinto
sa aking ginagawa
kapag iniisip kita

minsan, gusto kitang yakapin
at sabihan na andito lang ako
naghihintay

na kausapin
yakapin
patawarin
mahalin

ilang taon din tayong nawalay
hindi nag-usap
hindi nagpatawad

at sa mga taon na iyon,
hindi ako sumuko
sa pagmamahal sa iyo

salamat,
sa pagpapatawad.