May nagtanong sa akin kahapon
kung masaya ba daw ako sa
aking kasalukuyang trabaho.
Napaisip ako sa tanong niya.
Totoo, hindi ako sigurado sa sagot ko.
Siguro, hindi.
Sa isang banda, hindi ako masaya
dahil marami akong gustong gawin
sa buhay ko na alam ko kaya ko.
Marami akong pangarap
na gusto ko pang abutin.
Gusto kong maglakbay
sa buong Pilipinas
at sa buong mundo.
Pero, alam ko rin na masaya ako
dahil nakakatulong ako sa ibang tao.
Mas nakikilala ko ang sarili ko
sa trabaho ko ngayon dahil
sa mga araw-araw na
pakikipagsamaluha sa kanila.
Maraming aral akong natutunan
sa pakikipag-usap ko sa mga lola
at lolo na nagpapagawa ng
affidavitdahil nawalan sila ng senior citizen's ID.
Nalulungkot ako kapag may pamilya
na napipilitang humingi ng tulong
dahil wala na silang maibayad sa ospital.
Naaawa ako sa mga punong barangay
na pumupunta sa opisina dahil
sa mga problema sa araw-araw
na bumabagabag sa kanila.
Humahanga ako sa mga kasama
sa trabaho na taos pusong
nagtatrabaho.
sa mga simpleng tao ako
natutututong magsilbi.