Dearest Ate Elaine,
Kailan ba tayo unang nagkita?
Ay, oo, nuong nagkaroon kayo ng isang training sa Tagbilaran. Suplada ka pa nun, hindi pa kasi kita kilala. Pero bilib na ako sa iyo nuon dahil progresibo ka mag-isip, isang malalim na tao.
Kaya siguro, naging magkaibigan tayo. At habang lumulipas ang panahon, lalong tumatatag ang ating pagkakaibigan. Minsan nasasaktan mo ako, minsan nasasaktan din kita. Pero hindi ka nang-iwan. Kahit malayo tayo sa isa't-isa, andiyan ka pa rin para iparamdam sa akin na may Ate Elaine ako.
Minsan nasabi ko sa iyo na malungkot ako sa bagong buhay ko dito. Ang text mong ito ang patuloy na nagpapatatag sa akin: "Nalulungkot ka kasi nasanay ka na andiyan ang malalapit mong kaibigan. Pero hindi ka dapat nalulungkot kapag nakikipaglaban. Dapat humuhugot ka ng tapang mula sa iyong pinagkatandaan, sa magandang karanasan ng buhay at pagmamahal sa Diyos at sarili."
Marami akong gustong sabihin sa iyo na hindi ko maisulat. Umaabot nga nang ilang buwan ang sulat na ito dahil hindi ko matapos-tapos. Pero kagabi, napag-isip-isip ko na hindi naman talaga kailangan na tapusin ito dahil patuloy pa rin naman ang buhay. Patuloy ang pagbabago. Patuloy ang pagkakaibigan.
Andito rin ako para sa iyo, sa kung ano man ang iyong hinaharap ngayon.
Hanggang sa muli,
amor (",)

No comments:
Post a Comment