Thursday, September 25, 2008

Paano


Gusto kong gumising bukas
na masaya at mapayapa
kasama ang aking munting anghel
na mahigpit mong niyayakap
sa bawat oras na magkasama tayo.

Halika, samahan mo kami
maglaro sa bakuran nang bahay
nang tumbang preso, sipa at taguan.
Tara! magsaya tayo.

Ang saya ng kahapon.
Ang saya natin nuon.
Naririnig ko pa ang mga halakhak
ang mga walang katapusang takbuhan
sa bukid man o dalampasigan.

Patuloy akong umaasa
sa panaginip nang kahapon.
Patuloy akong naniniwala
na sa bawat pag-alis mo
ikaw ay babalik.

Lumaban ka
andito pa ang iyong pamilya
andito pa si lolo at lola
andito pa ang inay
na patuloy na nagmamahal sa iyo.

Saturday, September 6, 2008

ang sulat na hindi ko matapos-tapos


Dearest Ate Elaine,

Kailan ba tayo unang nagkita?

Ay, oo, nuong nagkaroon kayo ng isang training sa Tagbilaran. Suplada ka pa nun, hindi pa kasi kita kilala. Pero bilib na ako sa iyo nuon dahil progresibo ka mag-isip, isang malalim na tao.

Kaya siguro, naging magkaibigan tayo. At habang lumulipas ang panahon, lalong tumatatag ang ating pagkakaibigan. Minsan nasasaktan mo ako, minsan nasasaktan din kita. Pero hindi ka nang-iwan. Kahit malayo tayo sa isa't-isa, andiyan ka pa rin para iparamdam sa akin na may Ate Elaine ako.

Minsan nasabi ko sa iyo na malungkot ako sa bagong buhay ko dito. Ang text mong ito ang patuloy na nagpapatatag sa akin: "Nalulungkot ka kasi nasanay ka na andiyan ang malalapit mong kaibigan. Pero hindi ka dapat nalulungkot kapag nakikipaglaban. Dapat humuhugot ka ng tapang mula sa iyong pinagkatandaan, sa magandang karanasan ng buhay at pagmamahal sa Diyos at sarili."

Marami akong gustong sabihin sa iyo na hindi ko maisulat. Umaabot nga nang ilang buwan ang sulat na ito dahil hindi ko matapos-tapos. Pero kagabi, napag-isip-isip ko na hindi naman talaga kailangan na tapusin ito dahil patuloy pa rin naman ang buhay. Patuloy ang pagbabago. Patuloy ang pagkakaibigan.

Andito rin ako para sa iyo, sa kung ano man ang iyong hinaharap ngayon.

Hanggang sa muli,

amor (",)

Friday, September 5, 2008

Dearest Anna Louisa, Antoinette, Normita, Elva, and Babie Mar,

Whenever I'm asked of what phase in my life I was happiest, I would always say it was when I met all of you in high school. We shared unforgettable moments. At that time, we felt we could endure anything because we had each other.

However, time came when we faced personal struggles alone. Some struggles made us into better persons, while a few left us broken and scarred. I admit there were instances when I got scared because I was alone.

But, one thing that kept me strong all these years is the love we have for each other. That love has assured me that you will continue to love me in spite of my imperfections and faults. That love has also inspired me to do my best in everything.

God always have the best intentions in His creations. His love is beyond words. Your existence in my life is the best proof of that love.

Thank you for sharing your life with me.

Love,

Mai

Wednesday, September 3, 2008

Hanga Ako sa Iyo, Zyra

Pagtuturo ang natapos ko sa kolehiyo
Pumasa pa sa pasulit ng mga guro
Pwede na sana akong magturo
Ngunit, iba ang landas na niliko.

Naging manggagawa ng probinsiya
Naging manggagawa ng NGO
Naging manggagawa ng kongreso
Naging manggagawa ng mga tao.

Pero mas humahanga ako
Sa pagiging guro mo
Mas marami kang mahuhubog
Na mga kabataang busog.